Home METRO Lalaki, binaril ng malapitan sa ulo, dedo

Lalaki, binaril ng malapitan sa ulo, dedo

127
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang barilin ng malapitan sa ulo ng hindi pa kilalang salarin habang nakatayo sa gilid ng kalsada sa Caloocan City, kagabi.

Binawian agad ng buhay ang biktimang si alyas “Johny” sanhi ng tinamong tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo habang tumakas naman kaagad ang salarin, sakay ng kanyang asul na e-bike, patungong Letre Malabon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na alas-7:40 ng gabi nang marinig ng 60-anyos na testigo ang isang putok ng baril sa labas ng kanilang bahay sa Buklod ng Nayon St., Sangandaan, Brgy., 8.

Nang lumabas ang testigo, nakita niya ang nakabulagtang biktima na naliligo na sa sariling dugo kaya agad niyang ipinaalam sa mga awtoridad ang pangyayari.

Matapos suriin ng testigo ang kanilang CCTV sa labas ng bahay, nakita rito ang pagdating ng suspek na nakasuot ng itim na jacket, nakasombrero, at short pants na bumaba sa kanyang e-bike bago nilapitan ang nakatalikod na biktima at malapitang binaril sa ulo.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here