Home NATIONWIDE F. Manalo Bridge palalawakin sa 4 lanes — DPWH

F. Manalo Bridge palalawakin sa 4 lanes — DPWH

101
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Public Works Secretary Vince Dizon na palalawakin sa apat na lanes ang F. Manalo Bridge sa Pasig City mula sa kasalukuyang dalawang lanes.

Ayon kay Dizon, hiniling ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagpapalawak ng tulay, na agad namang sinang-ayunan ng pamahalaan.

Gayunman, kailangan munang maresolba ang right-of-way issues sa bahagi ng Quezon City bago simulan ang konstruksyon ng permanenteng tulay. Target ng Department of Public Works and Highways na umpisahan ang proyekto ngayong taon.

Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga motorista ng pansamantalang tulay na itinayo ng isang Japanese contractor, na ayon kay Dizon ay walang gastos sa gobyerno.

Nasira ang orihinal na tulay matapos itong tamaan ng mga barge noong Typhoon Carina noong 2024.

Dagdag pa ni Dizon, prayoridad ng ahensya ang agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga nasirang tulay sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here