MANILA, Philippines – Posibleng umabot ng P500 milyon ang emergency repair ng San Juanico Bridge sa Eastern Visayas, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo, Mayo 18.
“Very rough estimate po ito, wala pang masyadong detalye. Between ?300 to ?500 million kung kinakailangan pang repair,” ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa panayam sa radyo.
Idinagdag pa na pinag-aaralan ng pamahalaan kung ang pondo ay maaaring kunin sa pondo ng Disaster Risk Reduction and Management dahil wala pang inilalaan na pondo ang Department of Public Works and Highways para sa planong repair.
Ayon sa DPWH, sa pinakabagong assessment ay nakitaan ito ng mga pangamba patungkol sa structural integrity ng San Juanico Bridge.
Bilang bahagi ng pag-iingat, pansamantalang pinagbawalan ng DPWH ang mga sasakyan na may timbang na mahigit tatlong tonelada sa pagtawid sa 2.16 kilometrong tulay.
“Those traversing the bridge must use the centerline, proceeding ONE AT A TIME, and should follow all on-site traffic directions,” saad sa social media post ng DPWH.
“This measure is strictly enforced to ensure motorist safety, mitigate risks associated with identified damage, and facilitate essential repair and maintenance work,” dagdag pa.
Maaaring gamitin ng mga sasakyan na lampas sa weight limit ang roll-on/roll-off (RORO) vessels sa mga sumusunod na pantalan:
Tacloban Port
Calbayog Port
Catbalogan Port
Biliran Port
Ormoc Port
Manguinoo Port, Calbayog Samar
Hilongos Port
Maasin Port
Naval Port
Palompon Port
Calubian Port
Villaba Port
Naka-blue alert naman ang Office of Civil Defense – Eastern Visayas at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kasunod ng pagpapatupad ng weight limit sa sasakyan. RNT/JGC