Home METRO Empleyado ng airport service company sugatan sa pamamaril

Empleyado ng airport service company sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines- Sugatan matapos barilin ng tatlong hindi natukoy na mga indibidwal ang isang empleyado ng airport service company nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Pasay City police chief Col. Mario Mayames ang biktima na si alyas Paul, 32, residente ng P. Santos Compound, Barangay Vitales, Parañaque City.

Ayon kay Mayames, isinugod ang biktima na tinamaan ng bala sa likod ng kanyang katawan sa Past Cam Medical Clinic ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal I at kalaunan ay inilipat sa Pasay City General Hospital.  

Base sa mg awtoridad, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Cut-Cut Bridge sa NAIA Road, Barangay 198, Pasay City mula MacroAsia Terminal I dakong ala-1:20 ng madaling araw nang biglang lumitaw ang mga suspek at pagbabarilin siya.

Sinabi ni Mayames na agad tumakas ang mga suspek sa direksyon patungo sa NAIA Road.

Anang opisyal, maaaring hindi ang biktima ang tunay na target ng mga suspek. James I. Catapusan