Home METRO Engineer ng DPWH MIMAROPA na iniugnay sa flood control mess, arestado sa...

Engineer ng DPWH MIMAROPA na iniugnay sa flood control mess, arestado sa QC

281
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad noong Linggo sa Quezon City ang isang engineer ng Department of Public Works and Highways-MIMAROPA na iniugnay sa isang maanomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.

Kabilang si DPWH MIMAROPA engineer Dennis Abagon sa mga personalidad na may warrant of arrest ng Sandiganbayan kaugnay ng reklamo ng malversation of public funds.

Si Abagon ay isang officer-in-charge ng iba’t ibang dibisyon sa DPWH-MIMAROPA.

Dalawang araw na nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad bago naaresto si Abagon, kasama ang dalawa pang tao, na nahuli dahil umano sa pagharang sa hustisya.

Narekober din ng National Bureau of Investigation ang mga mobile phone at isang SIM card, na posibleng ginamit bilang ‘burner phone’ at ‘burner SIM,’ na nagpapahintulot sa akusado na makipag-usap habang itinatago ang kanyang pagkakakilanlan at lokasyon.

Narekober din ang ilan sa mga damit at gamot ni Abagon.

Sinabi ng engineer na plano niyang sumuko, kasunod ng payo ng kanyang abogado.

“Wala naman akong ginawang masama. Ginawa ko lang ‘yung trabaho ko. Wala akong kinita,” saad ni Abagon, na nagtrabaho sa DPWH ng 33 taon.

“Sana tulungan niyo rin kami na hindi lang biased sa amin. ‘Yung fair na pagtingin sa tao kasi nagtatrabaho lang din kami,” ani Abagon, na itinatanggi ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Noong nakaraang Miyerkules, inilbas ng Sandiganbayan ang mga kasong isinampa laban kay dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co, DPWH MIMAROPA officials, at Sunwest Corporation directors kaugnay ng P289-million road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa pagsasampa ng mga kasong katiwalian at malversation sa Sandiganbayan, hiniling din ng Office of the Ombudsman ang kasunod na pagpapalabas ng arrest warrant at hold departure orders laban sa mga akusado.

Sinabi ng mga tagausig ng gobyerno na ang P289-million non-existent flood control project na itinayo ng Sunwest Corporation, isang firm na pag-aari ng mga immediate family members ng Co, ay substandard.

Ang P289-million flood control project ay isang road dike sa tabi ng Mag-Asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro. Pinondohan ito sa ilalim ng 2024 national budget ng DPWH.

Nabigo si DPWH Secretary Vince Dizon, sa kanyang pagbisita noong Setyembre sa Oriental Mindoro, na mahanap ang nasabing proyekto gayundin ang dalawa pang flood control projects. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here