MANILA, Philippines – Tatlong weather systems – kabilang ang bagong nabuong Tropical Depression Verbena – ang nakakaapekto sa bansa at magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan, gayundin ng mga pag-ulan na may bugso na hangin sa Lunes, sinabi ng state weather bureau.
Sa kanilang 4 a.m. public weather forecast, sinabi ng PAGASA na ang shear line ay nakakaapekto sa eastern section ng Luzon habang ang Northeast Monsoon ay nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Northern at Central Luzon.
As of 3 a.m., ang TD Verbena ay tinatayang nasa 345 kilometers east ng Surigao City, Surigao del Norte at taglay ang maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa gitna na may pagbugsong 55 km/h. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 km/h.
Inaasahang magdadala si Verbena ng mga pag-ulan na may malakas na hangin sa Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, Caraga, Masbate, Iloilo, at Guimaras sa Lunes, na may posibilidad ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Ang labangan ng tropical depression ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng Mindanao.
Samantala, ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, at nalalabing bahagi ng Bicol Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line.
Ang Pangasinan at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan bunga ng Northeast Monsoon. Ang Northeast Monsoon ay magdadala din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan sa natitirang bahagi ng Luzon.
Sinabi ng PAGASA na ang Northern Luzon at ang silangang bahagi ng Central at Southern Luzon ay makakaranas ng malakas na hangin at maalon na kondisyon ng tubig sa baybayin.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon at ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na kondisyon ng tubig sa baybayin, habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng katamtamang hangin at katamtamang kondisyon ng tubig sa baybayin.
Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa 23 lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa Tropical Depression Verbena, sinabi ng state weather bureau nitong Lunes ng umaga.
Sa kanilang 5 a.m. tropical cyclone bulletin, sinabi ng PAGASA na nakataas ang Signal No. 1 sa:
Luzon:
The southern portion of Occidental Mindoro (Magsaysay, San Jose),
The southern portion of Oriental Mindoro (Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong),
Romblon, and
Mainland Masbate.
Visayas:
The central and southern portions of Eastern Samar (Sulat, San Julian, City of Borongan, Maydolong, Balangkayan, Llorente, Lawaan, Balangiga, General Macarthur, Giporlos, Quinapondan, Hernani, Salcedo, Guiuan, Mercedes, Taft),
The central and southern portions of Samar (Hinabangan, Marabut, Basey, Santa Rita, Villareal, Pinabacdao, Calbiga, San Sebastian, Daram, Talalora, Zumarraga, Almagro, Santo Niño, Tagapul-An, City of Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas),
Biliran,
Leyte,
Southern Leyte,
The northern and central portions of Cebu (Pinamungahan, Ronda, Liloan, Cebu City, Moalboal, Consolacion, Danao City, Borbon, Carmen, Argao, Daanbantayan, Tuburan, City of Bogo, Alcantara, Tabogon, Badian, Sibonga, City of Naga, Lapu-Lapu City, City of Carcar, Mandaue City, Catmon, Minglanilla, Toledo City, Cordova, Dalaguete, Compostela, San Remigio, Balamban, Dumanjug, Aloguinsan, San Fernando, Asturias, Barili, Medellin, Sogod, Tabuelan, City of Talisay, Alegria, Alcoy) including Bantayan Islands,
Camotes Islands,
Bohol,
The northern portion of Negros Occidental (City of Himamaylan, Binalbagan, Isabela, Hinigaran, Pontevedra, La Carlota City, Moises Padilla, La Castellana, Valladolid, San Enrique, Bago City, Pulupandan, Bacolod City, City of Talisay, Silay City, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Calatrava, Toboso, City of Escalante, Salvador Benedicto, San Carlos City, Murcia),
The northern portion of Negros Oriental (Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City),
Iloilo,
Capiz,
Aklan,
Antique including Caluya Islands, and
Guimaras.
Mindanao:
Dinagat Islands,
Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands,
The northern portion of Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag), and
The northern portion of Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay, City of Cabadbaran). RNT/MND