MANILA, Philippines – Lumakas pa at naging isang super typhoon na ang Tropical cyclone Yagi, o kilala sa atin bilang si “Enteng” nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 5 habang nasa South China Sea.
Sa ulat, taglay ng Super Typhoon Yagi ang lakas ng hangin na aabot sa 195 kilometro kada oras at pagbugso na 240 kph.
Pinalalakas ng Yagi ang southwest monsoon o habagat na nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Iniwan ng bagyong Enteng ang aabot sa P350.85 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura, ayon sa Department of Agriculture.
Kumitil din ito sa buhay ng 15 katao habang 21 pa ang nawawala dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa. RNT/JGC