Home HOME BANNER STORY EPD ‘di nakipag-ugnayan sa operasyon vs Chinese businessman – Las Piñas Police

EPD ‘di nakipag-ugnayan sa operasyon vs Chinese businessman – Las Piñas Police

MANILA, Philippines – Sinabi ng Las Piñas Police na hindi nakipag-ugnayan ang Eastern Police District District Special Operations Unit (EPD-DSOU) sa pag-aresto sa isang Chinese businessman sa Las Piñas noong nakaraang linggo.

Ayon kay Las Piñas Police chief Police Colonel Sandro Tafalla, hindi tama ang nangyaring proseso ng koordinasyon dahil nakatanggap lamang sila ng notice dalawang oras bago ang pagsisilbi ng arrest warrant, iba sa karaniwang 24 na oras.

“Natanggap namin 12 noon and then the operation or the implementation or the service of warrant is 2 p.m. Kumbaga parang sinadya na dalawang oras lang,” ani Tafalla.

“Para hindi siguro, you know, hindi ample time for us para talagang thoroughly ma-assess namin ‘yung warrant. Kumbaga may intention sila na hindi namin ma-evaluate mabuti ‘yung coordination,” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy niya ay ang operasyon laban sa isang Chinese businessman sa exclusive subdivision sa Las Pinas noong Abril 12 na sakop ng hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD) at hindi ng EPD.

Sinubukan pa umanong kikilan ng mga pulis ng P12 milyon ang businessman kapalit ng kalayaan nito, kasabay ng pagtangay sa mga cash, gold bars, alahas at mamahaling mga relo.

Sinabi rin na aabot sa P85 milyon ang tinangay na mga pera at gamit, at hindi rin ito ang taong tinutukoy sa arrest warrant.

Anang translator ng Chinese businessman, ang warrant ay para sa taong kabaliktaran ng pangalan at apelyido nito.

Inalis na sa pwesto ang walong pulis na sangkot sa operasyon. RNT/JGC