MANILA, Philippines – NAGLAAN ang gobyerno ng P45.67 bilyon para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP) para magsilbi bilang fiscal buffer para sa El Niño at iba pang kalamidad.
Ang panukalang NDRRMF para sa 2027, sinasabing14.68% na mas mataas kaysa sa alokasyon ngayong taon, naglalayon na palakasin ang ‘disaster preparedness at resilience’ ng bansa, ang sinabi ni Budget Acting Secretary Kim Robert de Leon sa isinagawang presentasyon ng 2027 NEP sa Senate Finance Committee, araw ng Huwebes.
Winika ni De Leon na ang panukalang budget ay gagamitin kapag ang umiiral na government resources, gaya ng available badget ng Department of Agriculture (DA) upang masiguro na ang pagkain at water security ay hindi mauubos.
“But we also have on standby the NDRRM Fund for any possible shortfall that may arise if the regular funding sources under DA would not be enough,” ayon kay De leon, sabay sabing ang pondo para sa kasalukuyang taon ay maaaring gamitin para palakasin ang kakayahan ng gobyerno na maghanda para at pagtugon sa epekto ng kalamidad, sakuna at extreme weather events.
“The existing Risk Resiliency Program, which contains comprehensive data on climate and disaster risks, is crucial in determining the specific amount needed for government interventions to cushion the impact of El Niño,” ang tinuran ni De Leon.
Siya, gayunpaman, tiniyak sa publilko na ang gobyerno ay nakahanda para sa posibleng epekto ng El Niño, tinukoy ang pagpapagana sa government interventions sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) framework para tulungan ang sektor ng agrikultura na maghanda ng mas maaga para sa potensiyal na pagkagambala sanhi ng phenomenon.
Samantala, sinabi ni De Leon na nagbigay ang gobyerno ng karagdagang pondo para sa agricultural inputs, kabilang na ang suporta para sa fertilizer at fuel requirements ng mga magsasaka, bilang bahagi ng pagsisikap na tulungan ang sektor na mag- adjust sa nagbabagong weather conditions at panahon ng pagtatanim.
Idinagdag pa niya na ginagamit ng National Food Authority ang umiiral na badget nito para sa rice buffer stocking, habang ang available na resources ng Department of Public Works and Highways ay maaaring gamitin para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng napinsalang rainwater collection facilities. KRIS JOSE