Home NATIONWIDE Epekto ng US tariff hikes sa OFWs at trabaho, nais linawin ni Gatchalian

Epekto ng US tariff hikes sa OFWs at trabaho, nais linawin ni Gatchalian

0
Epekto ng US tariff hikes sa OFWs at trabaho, nais linawin ni Gatchalian

MANILA, Philippines – Nais ni Senador Win Gatchalian na masusing pag-aralan ang posibleng epekto ng pagpapataw ng 17% reciprocal tariff ng Estados Unidos sa Pilipinas, partikular na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at sa industriya ng business process outsourcing (BPO). Ayon kay Gatchalian, nananatiling pinakamalaking export market ng bansa ang Amerika, kaya’t mahalaga ang pagsusuri sa mga magiging epekto nito.

“Bagama’t tila may kalamangan ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa ASEAN pagdating sa reciprocal tariffs ng Estados Unidos, kailangang tukuyin natin ang posibleng epekto nito sa ating mga OFWs at sa industriya ng BPO, lalo na’t parehong madaling maapektuhan ang mga ito ng pandaigdigang pagbagsak ng ekonomiya,” ani Gatchalian.

Sa paghahain ng Senate Resolution 1343, binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan ng pagsusuri sa epekto ng mga abala sa supply chain at ang posibilidad na magtulungan ang mga manufacturer upang makaiwas sa taripa.

Ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa $12.12 bilyon ang kabuuang halaga ng mga produktong na-export ng Pilipinas sa Estados Unidos noong 2024, na kumakatawan sa 16.6% ng kabuuang export ng bansa. Ang bilang ay mas mataas ng 4.7% kumpara sa $11.55 bilyon na naitala noong 2023. (Ernie Reyes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here