RIZAL, Cagayan – Lahat ng posibleng anggulo sa pagpatay kay Rizal, Cagayan Mayor Joel A. Ruma ay tinalakay sa isinagawang case conference ng itinatag na Special Investigation Task Group (SITG).
Inalis na rin ang hepe ng Rizal at naglagay ng OIC.
Posibleng sniper ang bumanat sa alkalde dahil sa pagiging asintado nito.
Matandaan na kasalukuyang nangangampanya sina Ruma sa barangay gym ng Illuru Sur, Rizal bandang 9:30 ng gabi nang mangyari ang krimen.
Nadamay din sa pamamaril ang dalawang sibilyan na kinilalang sina Merson Abiguebel at Melanie Talay.
Personal ngayon na pinulong PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang itinatag na SITG para tutukan ang pagpaslang sa alkalde ng Rizal na muling kumakandidato.
Samantala, matatandaan na inambus na rin noon sa Maddarulug Solana ang alkalde ng Rizal, Cagayan na si Raul de la Cruz noong December 2008. Tatlong kasamahan din noon ni De La Cruz ang napatay na sina Ramon Gundan, Federico Canay at John Baloran. Rey Velasco