Home NATIONWIDE Eroplano ng PAL nag-overshoot sa Bacolod airport – CAAP

Eroplano ng PAL nag-overshoot sa Bacolod airport – CAAP

MANILA, Philippines – Nag-overshoot ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) Express sa runway ng Bacolod-Silay Airport nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 27.

Sa kabila nito, wala naman umanong nasaktan na mga pasahero at crew ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap).

Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng CAAP na ang PAL Express flight 2P-2285 na galing Cebu ay nakaranas ng “minor runway excursion” pagkalapag sa Runway 03 bandang 5:30 ng umaga.

Anila, ang aircraft ay nag-overshoot sa runway “due to heavy rainfall that significantly reduced braking efficiency.” RNT/JGC