MANILA, Philippines – Siniguro ng National Food Authority (NFA) nitong Sabado, Disyembre 28 ang publiko na sapat ang rice buffer stock para tugunan ang pangangailangan sa oras ng kalamidad ngayong holiday season.
Ang pahayag ng NFA ay kasunod ng ulat ng aktibidad sa Bulkang Kanlaon at mga namonitor na sama ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.
“We have instructed our employees in the field to immediately activate our Operation Centers (OpCen) in the areas affected by floods, typhoons, and other emergencies and to open their hotlines to fast track coordination with our relief institutions,” pahayag ni NFA Administrator Larry Lacson.
“Holiday season tayo ngayon ngunit ang aming tanggapan ay laging bukas upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Kasama sa ating pagseserbisyo ang kahandaan sa anumang oras ngpangangailangan,” dagdag pa niya.
Anang NFA, pinalakas din nito ang kanilang palay buying strategies sa ilalim ng Price Range Scheme (PRICERS) para matugunan ang rice relief requests mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Units (LGUs), at Legislators para sa distribusyon sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa calamity stricken areas.
Iginiit ng NFA na naabot nito ang 95% ng buffer stocking target ngayong taon.
Ang kasalukuyang buffer stock ay nasa 5.661 million bags ng equivalent milled rice. RNT/JGC