Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga aktibidad sa Rizal Day 2024

ALAMIN: Mga aktibidad sa Rizal Day 2024

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang mga aktibidad para sa komemorasyon ng Rizal Day bukas, Disyembre 30 marka ng ika-128 death anniversary ni Jose Rizal.

Iniimbitahan ng NHCP ang publiko na makilahok sa tatlong key events na kanilang inihanda.

Ang unang event ay ang Nationwide Flag-Raising and Wreath-Laying Ceremonies na gaganapin alas-7 ng umaga sa tatlong lugar. Ito ay ang Rizal Park sa Manila, Rizal Shrine sa Calamba, at Rizal Shrine sa Dapitan City.

Ang isa pang event ay ang exhibit na nagpapakita ng “Remembering Rizal in Artworks and Monuments.” Ito ay bukas alas-8 ng umaga sa NHCP Central Office sa Ermita, Manila.

Samantala, magkakaroon din ng workshop at exhibit na “Hagod Rizal” na isang commemorative exhibit at portraiture workshop na sisimulan alas-10 ng umaga sa Museo ni Jose Rizal sa Fort Santiago, Intramuros, Manila.

Hinimok ng NHCP ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na mag-organisa rin at lumahok sa mga kaparehong selebrasyon sa kaparehong araw.

Samantala, inanunsyo ng National Museum ang pagpapasinaya sa “Sleeping Josephine,” isang sculpture ng asawa ni Rizal na si Josephine Bracken, sa National Museum of Fine Arts.

Available ang naturang iskulptura para sa public viewing simula Disyembre 30. RNT/JGC