Home METRO ES Bersamin: Palasyo ‘no comment’ kay Edgar Matobato

ES Bersamin: Palasyo ‘no comment’ kay Edgar Matobato

MANILA, Philippines- Sinabi ng Malacañang nitong Martes na wala itong impormasyon sa kinaroroonan ng confessed hitman na si Edgar Matobato, o kontrol sa mga aksyon nito, kabilang na kung tetestigo ito sa ibang forum.

”Wala kaming masabi diyan dahil we have no connection with Mr. Matobato. Whatever his purpose in going out, we cannot control that. But if he intends to go to testify in another forum, that’s also beyond our control,” pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

”Hindi namin siya ine-encourage, hindi rin namin siya dinidiscourage,” dagdag niya.

Kamakailan ay iniulat ng New York Times na tumakas si Matobato mula sa Pilipinas.

Sinabi ni Matobato, sinasabing miyembro ng vigilante Davao Death Squad, na nagsagawa umano siya ng ilang pagpatay alinsunod sa utos ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Tumestigo rin siya sa Senate investigation sa extrajudicial killings na iniuugnay sa 2016 war on drugs ng Duterte administration, iginiit na ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang responsable sa ilang pagpatay sa Davao City. RNT/SA