Home NATIONWIDE Escort ni Mangusin, ‘di lisensyado; baril, paso – NAPOLCOM

Escort ni Mangusin, ‘di lisensyado; baril, paso – NAPOLCOM

206
0

MANILA, Philippines – Ayon sa National Police Commission, ang siyam na umano’y security escorts ni vlogger Norman Mangusin na kilala bilang Francis Leo Marcos ay “NOT licensed security practitioners” at “performing security functions for Mangusin illegally.”

Dagdag pa ni NAPOLCOM vice chairperson Rafael Vicente Calinisan, ang isang baril na nakarehistro sa pangalan ni Mangusin, isang Glock Pistol, ay expired last September 2017 at itinuturing na loose firearm, kaya’t ang patuloy na pagtataglay nito ay crime of unlawful possession of firearm.

Ang impormasyon ay ipapasa sa Criminal Investigation and Detection Group para sa posibleng imbestigasyon at kaso laban kay Mangusin at sa kaniyang mga kasama.

Si Mangusin ay naaresto noong Martes sa Pasay City kaugnay ng unjust vexation case at inirekomenda ang P120,000 na piyansa. Napansin rin ang umano’y paggamit niya ng hindi awtorisadong police uniform at iba’t ibang pangalan, pasaporte, at birth certificates.

Siya ay inilipat noong Biyernes mula Camp Crame papuntang Parañaque City jail. Samantala, sinabi ni dating senador at boksingero Manny Pacquiao na maghahain siya ng reklamo laban kay Mangusin para sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon at panlilinlang sa publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here