Home HOME BANNER STORY Escudero may babala sa PCO officials: Mag-ingat sa mga pahayag

Escudero may babala sa PCO officials: Mag-ingat sa mga pahayag

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senate President Francis Escudero sa mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na maging maingat sa mga inilalabas na pahayag sa publiko.

Sa isang presser, tinugunan ni Escudero ang
matinding mga pahayag ni newly appointed PCO Undersecretary Claire Castro sa iba’t ibang topic, at sinabing ang Pangulo ay kasalukuyang walang spokesperson.

“Everyone at that office serves at the pleasure of the President. But I don’t think she’s the spokesperson of the President. If I remember correctly, the President said he would not have a spokesperson and that has [been] maintained,” ani Escudero.

Sinabi pa ng Senate President na maging paalala ito sa mga opisyal ng PCO na ang Pangulo ay nagsasalita pa rin ng kanyang mga sariling pananaw at saloobin.

“Maybe that’s what PCO officials need to remember; the President still speaks on behalf of himself,” ani Escudero.

“It’s just saddening that they are standing in a rostrum with a Malacañang marking so whatever they say, it would always seem as if it’s from the President,” dagdag pa. RNT/JGC