Home METRO Estudyante aksidenteng nahulog sa ilog, patay

Estudyante aksidenteng nahulog sa ilog, patay

MANILA, Philippines- Isang 13-anyos na binatilyo namatay makaraang mahulog sa ilog hanggang sa nalunod habang nagkakarera kasama ang iba pang kaibigan sa Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa nakalap sa ulat, naisugod pa sa Pagamutan ng Dasmarinas ang biktima na si David, isang estudyante ng Brgy. Sta Cruz 2, ng nasabing lungsod subalit idineklarang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5 kamakalawa ng hapon nang magkayayaan ang biktima at mga kaibigan nito na maligo sa ilog sa The Villas Subd., Brgy San Agustin 1 ng nasabing lugar.

Pagdating sa lugar, nagkarera umano ang biktima at kaibigan nito at hindi inaasahang nahulog ito sa ilog kaya tinangka siyang sagipin ng kanyang mga kaibigan pero hindi siya nasagip kaya tumawag sila ng tulong sa lugar at nadala ang biktima sa ospital. Margie Bautista