Home NATIONWIDE Estudyante natagpuang patay sa matubig na bukid sa Ilocos Sur

Estudyante natagpuang patay sa matubig na bukid sa Ilocos Sur

1
0

ILOCOS SUR- Isa nang malamig na bangkay ang isang 21-anyos na estudyanteng lalaki nang matagpuang nakabulagta sa matubig na bukid malapit sa farm to market road sa Brgy. Capangdanan, Bantay ng lalawigang ito nitong umaga ng Linggo, Agosto 2.

Base sa ipinadalang ulat ng Bantay MPS sa Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO), ang biktima ay residente ng naturang bayan.

Isang 27-anyos na lalaki na nagda-jogging ang nakakita sa biktima kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Nakita sa tabi ng biktima ang kanyang motorsiklo.

Hinihinalang naaksidente ang biktima na ikinasawi nito.

Walang nakita ang mga awtoridad na senyales ng foul play sa pagkamatay ng biktima. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here