Home METRO Ex-barangay captain itinumba sa Pagadian

Ex-barangay captain itinumba sa Pagadian

36
0

PAGADIAN CITY – Patay ang dating barangay captain ng Upper Sang-an, Labangan, Zamboanga del Sur matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa national highway sa Barangay Tawagan Sur nitong Huwebes ng hapon, Mayo 28.

Batay sa imbestigasyon, papunta umano ang biktima sa Pagadian City para sunduin ang asawa nang sundan ng mga suspek na sakay ng puting SUV.

Pagsapit sa Purok Sampaguita dakong 3:56 p.m., biglang umalingawngaw ang mga putok at tinamaan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng 9mm pistol.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at kalaunan ay naaresto ang isang suspek sa joint operation. Narekober din ang hinihinalang getaway vehicle sa Barangay Polyagan.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang motibo at maaresto ang iba pang sangkot sa krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here