UNITED STATES – Pagdedesisyunan na ni US President Donald Trump ang proposed deal para palawigin ang ceasefire sa Iran.
Ayon kay Trump nitong Biyernes, Mayo 29, makikipagkita siya sa White House room para gumawa ng “final determination” sa panukala na magpapalawig ng ceasefire ng 60 pang araw.
Ilang oras matapos nito ay sinabi ng White House na natapos na ang meeting bagamat hindi nagbigay ng dagdag na impormasyon.
Sinabi ng isang senior Iranian na may napagkasunduan na ngunit hindi pa inaaprubahan.
“Iran must agree that they will never have a Nuclear Weapon or Bomb. The Hormuz Strait must be immediately open, no tolls, for unrestricted shipping traffic, in both directions,” ani Trump. RNT/JGC