Inoperahan si Hall of Famer Dwyane Wade upang alisin ang isang cancerous na tumor sa kanyang kanang bato noong Disyembre 2023, ibinunyag niya sa kanyang podcast na inilathala noong Huwebes (Biyernes PH time).
Si Wade, na naging 43 taong gulang noong Enero 17, ay gumawa ng kanyang unang pampublikong komento sa isyu ng kalusugan sa “The Why with Dwyane Wade” habang nakikipag-usap sa podcast co-host na si Bob Metelus.
Matapos mapansin ang mga pagbabago sa kanyang pag-ihi, na bumabagal at humina, pumunta si Wade sa isang doktor.
“Kasi nag-full body scan ako, nakita nila yung buong katawan ko, yung buong loob ko, at may nakita sila na nasa kidney ko,” wika nito.
Sinabi ni Wade na ang mga doktor ay nakakita ng isang posibleng cyst o tumor at sinabi na kailangan ang operasyon dahil ang lugar ay hindi maaaring biopsy. Nakakuha siya ng maraming mga medikal na opinyon upang kumpirmahin ang diagnosis.
“I had a personal decision to make, and what it was, ‘If this is cancerous, if this tumor, this cyst is cancerous, on your kidney, you’re 41 years old, you probably need surgery because it’s something na kailangang tanggalin para hindi kumalat,'” sabi ni Wade.
Inalis ng mga doktor ang 40 porsiyento ng kanyang kanang bato, aniya.