Home NATIONWIDE Ex-QC mayor Herbert Bautista, aide convicted sa graft

Ex-QC mayor Herbert Bautista, aide convicted sa graft

MANILA, Philippines – Napatunayang guilty sa graft ng Sandiganbayan sina dating Quezon City mayor Herbert Bautista at dating city administrator nito na si Aldrin Cuña kaugnay sa 2019 procurement ng Online Occupational Permitting Tracking System (OOPTS).

Sa 32 pahinang desisyon, sinentensyahan ng Sandiganbayan sina Bautista at Cuna ng pagkabilanggo na anim hanggang 10 taon.

Diskwalipikado na rin ito sa pag-upo sa anumang pwesto sa pamahalaan.

Hindi naman ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagbabayad ng multa nina Bautista at Cuña dahil ang sangkot na pondo ng publiko na nagkakahalaga ng P32 milyon ay natanggap na ng pribadong kompanya na hindi naman kasama sa kaso. RNT/JGC