MANILA, Philippines – Magpupulong ang mga Obispo sa buong bansa sa susunod na linggo para sa kanilang dalawang beses na plenary assembly upang manalangin at talakayin ang mga pangunahing isyu na kinakaharap ng Simbahan.
Ang pagpupulong na nakatakda sa Enero 25 hanggang Enero 27 ay mauunahan ng tatlong araw na seminar tungkol sa “transparency and accuntability” sa loob ng Simbahan, ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines.
Ang aktibidad, sa pangungunahan ng Archdiocese of Lipa ay gaganapin sa Sta Rosa, Laguna.
Sinabi ni Msgr. Bernardo Pantin, secretary general ng CBCP na ang seminar ay kinasasangkutan hindi lamang ng mga Obispo ngunit mga financial administrators.
Sa seminar, tampok ang mga speakers mula sa bansa gayundin mul sa Rome, London at United States.
Ito ay follow-up sa workshop na isinagawa sa Vatican noong Hunyo 2024 kung saan maraming Filipinong pari at Obispo ang dumalo.
Ayon kay Pantin, nagpasya ang CBCP na i-cascade ng seminar sa Pilipinas para palawigin din ang may benepisyo nito sa mga diocesan financial officers.
Ang seminar ay bahagi ng 129th bishops plenary assembly, ang pinakamataas na decision-making body ng CBCP na pormal na magsisimula sa Enero 20.
Kasalukuyan ngayon na mayroong 126 miyembro ang CBCP kabilang ang 84 aktibong Obispo, 38 honorary o retired bishops at apat na diocesan priest-administrators.
Kasama sa ibang paksa, sinabi ni Pantin na ang mga deliberasyon ay tutuon sa mga tema ng pagbuo, panlipunang aksyon at ang Synod on Synodality.
Sa papalapit na halalan sa Mayo, ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting ay mag-uulat din sa mga paghahanda nito para sa midterm polls.
Sa huling araw ng pagpupulong, Enero 27, isang Misa ang pangungunahan ni Arsobispo Giovanni Cesare Pagazzi, kalihim ng Vatican’s Dicastery for Culture and Education. Jocelyn Tabangcura-Domenden