Home NATIONWIDE Ex-Rep. Dong Gonzales naghain ng not guilty plea sa graft sa P264M...

Ex-Rep. Dong Gonzales naghain ng not guilty plea sa graft sa P264M flood control project

4
0

MANILA, Philippines – Naghain ng not guilty plea si dating Pampanga Third District Rep. Dong Gonzales nitong Biyernes, Nobyembre 6, para sa reklamong graft sa umano’y conflict of interest sa P264 milyong flood control project.

Si Gonzales ay naghain ng kanyang hiling sa Sandiganbayan Third Division.

Nahaharap din si Gonzales sa dalawa pang reklamo ng graft sa Second at Seventh Divisions.

Nauna nang nakapagpiyansa si Gonzales ng P90,000 para sa bawat tatlong kaso.

Iginiit ni Gonzales na hindi siya nakialam sa infrastructure projects sa kanyang distrito at itinigil na ang kanyang contracting activities noon pang 2007 nang siya ay maging kongresista.

Inakusahan ng prosekusyon si Gonzales ng “willfully, unlawfully and criminally” sa pagkuha ng financial interest sa A.D. Gonzales Construction and Trading Company, na umano’y nakakuha ng mga kontrata sa infrastructure projects sa Pampanga.

Itinakda ang pretrial niya sa Disyembre 4 kung saan inaasahang magpapasok ng stipulations ang prosekusyon at depensa, mamarkahan ang documentary exhibits, at tukuyin ang mga witness at ebidensya na ipipresenta sa paglilitis. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here