Home NATIONWIDE Excise tax sa LPG, kerosene ibinalik sa pagbaba ng Dubai crude

Excise tax sa LPG, kerosene ibinalik sa pagbaba ng Dubai crude

1
0

MANILA, Philippines — Ibinalik na sa itinakdang rates sa ilalim ng tax code ang excise taxes sa liquefied petroleum gas at kerosene matapos i-certify ng Department of Energy na bumaba sa $80 kada bariles ang one-month average Dubai crude oil price noong Hunyo.

Ang excise tax sa LPG ay balik na sa P3.36 kada kilo, habang ang buwis sa kerosene ay ibinalik sa P5.60 kada litro.

Matatandaang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang excise taxes sa LPG at kerosene noong Abril matapos tumaas ang presyo ng langis kasunod ng US-Israeli attacks sa Iran.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Internal Revenue na ang one-month average Dubai crude oil price, batay sa Mean of Platts Singapore, ay nasa $79.45 kada bariles mula Hunyo 1 hanggang 30.

Ayon sa mga analyst, kahit inaasahan ang normalisasyon ng oil shipping sa Strait of Hormuz, maaaring abutin pa ng ilang buwan bago bumalik ang presyo ng langis sa antas nito bago ang giyera sa Middle East.

Umakyat sa 7.2 porsiyento ang inflation sa Pilipinas noong Abril ngunit bumaba sa 6.4 porsiyento noong Hunyo kasabay ng pagbaba ng presyo ng langis. Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na nakikita pa rin niyang makaaapekto sa inflation ng bansa ang sigalot sa Middle East, dahil malaki pa rin ang ambag ng transportation costs sa inflation number.

Itinaas din ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rates ng 25 basis points sa 4.75 porsiyento noong Hunyo. Ayon sa central bank, nananatiling mataas ang global oil at fertilizer prices at patuloy na nagtutulak pataas sa presyo ng domestic fuel at pagkain. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here