Home HEALTH Experts sa WHO Framework Convention on Tobacco Control: Harm reduction strategies tularan

Experts sa WHO Framework Convention on Tobacco Control: Harm reduction strategies tularan

MANILA, Philippines- Dapat na i-explore o tuklasin ng Framework Convention on Tobacco Control ng World Health Organization ang science-based innovations, gaya ng harm reduction strategies.

Ito’y para tugunan ang “global smoking epidemic and prevent millions of deaths annually,” ayon sa mga public health expert bago pa ang nakatakdang 10th Conference of the Parties meeting sa Panama.

Sinabi ni Dr. Lorenzo Mata, pangulo ng Quit For Good, isang non-profit na nagpo-promote ng harm reduction sa Piipinas, iminumungkahi ng pagsasaliksik ang alternatibo gaya ng electronic nicotine delivery systems at heated tobacco ay “definitely less harmful” kaysa sa tradisyunal na sigarilyo. Hiniling na suportahan para sa kanilang konsiderasyon bilang “pragmatic middle ground” para sa mga adult smokers na hindi kaya o ayaw bumitaw sa paninigarilyo.

Sinabi ni Dr. Mata na sinasang-ayunan niya si Jeffrey Smith, kapwa resident senior sa R Street Institute, na ang kasalukuyang pagtuon ng pansin ng FCTC sa tumataas na mga presyo, pagbabawas sa advertising, at smoke-free spaces ay mayroong limitadong epekto partikular na sa Southeast Asia, kung saan ang cultural at economic factors ay nagpapakomplikado sa implementasyon.

Sa kabilang dako, sa artikulo ni Smith na may pamagat na “The Impact of Cultural Pressures on Tobacco Harm Reduction Efforts in Southeast Asia,” tinukoy nito na mahigit sa 8 milyong katao ang nangamamatay taun-taon mula sa tobacco-related diseases, may 80% sa low- and middle-income regions. Sa Southeast Asia lamang nasaksihan na ang 1.6 milyong buhay ang nawala dahil sa paninigarilyo kada taon.

Binigyang-diin ni Dr. Mata ang napapanahon na pagtalakay habang naghahanda ang WHO FCTC para sa 10th Conference of the Parties sa Panama City mula Pebrero 5 hanggang 10.

Inaasahan naman na tutugunan ng mga delegado mula 182 signatory countries ang mahahalagang paksa kabilang na ang availability ng “novel and emerging tobacco and nicotine products.”

Kapwa naniniwala sina Dr. Mata at Smith na ang tobacco harm reduction ay maaaring makabawas sa bilang ng mga namamamatay at nagkakasakit. Tinukoy nito ang mga bansa gaya ng Sweden, UK at Japan, na nakitang matagumpay dahil sa THR.

Ang Japan, lalo na, nakita ang 33% na pagbaba sa smoking rate mula 33% noong 2000 ay naging 20% noong 2020, kasunod ng pagpapakilala sa heated tobacco sa merkado.

Tinuran ni Smith, ang Pilipinas, nilagdaan ang FCTC treaty noong 2005, ay gumamit din ng iba’t ibang approach nang lagdaan nito noong 2022 ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act into law, pinahihintulutan ang regulasyon ng electronic nicotine delivery system at iba pang reduced-risks products sa layuning protektahan ang kalusugan ng mga Filipinong nasa hustong gulang at mga kabataan.

Naniniwala naman ang mga eksperto ng THR na ang pagtaas ng access sa at pagtanggap ng mga produktong ito ay makatutulong para bawasan ang mga namamamatay at nagkakaroon ng sakit na iniuugnay sa paninigarilyo.

Ipinanukala naman ni Dr. Mata na ang “Vape Law” sa Pilipinas ay maaaring maging modelo para sa ibang bansa, pinahihintulutan ang mga smokers na magkaroon ng access sa hindi gaanong nakapipinsalang mga opsyon. Kris Jose

Previous article47 players, opisyal, tinanggal sa MPBL
Next articleJanno at Bing, magkatabi nang natutulog!