Home ENTERTAINMENT Janno at Bing, magkatabi nang natutulog!

Janno at Bing, magkatabi nang natutulog!

Manila, Philippines – There’s always a silver lining behind every tragedy.

Totoong tragic ang sinapit ni Ronaldo Valdez, araw noong December 17, 2023.

Malalim ang iniwang sugat ang dulot nito sa mga naulila ng 77 anyos na mahusay na aktor.

Sa panayam ni Karen Davila kay Janno Gibbs, isa sa dalawang anak ni Ronaldo, he’s holding up well kahit paano.

Garalgal pa rin ang boses niya, but he seems to be slowly getting by.

Dumanas man daw sila ng trahedya, one good thing came out of his dad’s death.

Kung dati-rati raw ay “semi-separated” sila ng asawang si Bing Loyzaga, ngayon daw ay magkatabi na sila kung matulog.

Although magkatabi kasi ang mga units na tinitirhan nila noon ay hindi sila magkasama sa isang bubong.

Hindi sa tahanan ni Ronaldo sa Quezon City magkasama sina Janno at Bing kundi sa ibang bahay.

“I don’t want to go near that house,” ani Janno patungkol sa bahay where his father was found lifeless.

Nagpapaalala lang daw ‘yon ng sakit dulot nga ng “spontaneous” na pamamaalam ng kanyang ama.

Maging ang post nga nito sa Facebook ay binura ni Janno.

Ronaldo’s post read: “Life is not fun anymore. Goodbye.”

Isa pang nilinaw ng singer-comedian sa panayam sa kanya ni Karen ay ang kawalan ng last will and testament na umano’y iniwan ng ama.

Ani Janno, napakabilis daw ng mga pangyayari.

Naiulat kasi na hinati ni Ronaldo ang kanyang ipinamana kina Janno at Melissa Gibbs, bagay na itinanggi ng una. Ronnie Carrasco III

Previous articleExperts sa WHO Framework Convention on Tobacco Control: Harm reduction strategies tularan
Next articleImbestigasyon ng PNP sa bomb threat sa Kamara nagpapatuloy – Acorda