Home NATIONWIDE Extradition request kay ex-Cong. Arnolfo Teves ibinasura ng Timor Leste Court of...

Extradition request kay ex-Cong. Arnolfo Teves ibinasura ng Timor Leste Court of Appeals

MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang Timor-Leste na hindi ipa-extradite si dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves.

Ibinasura ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas para kay Teves.

Nagpahayag naman ng pagkagulat ang Department of Justice sa naging desisyon ng CA Timor Leste dahil sa dalawang naunang desisyon nito ay pabor sa extradition request.

“It is peculiar that after having twice decided in favor of extradition—first in June 2024 and again in December 2024—the Timor-Leste Court of Appeal has now reversed its stance, taking a complete 180-degree turn to reject the Philippines’ extradition request,” pahayag ng DOJ.

Hinihintay na lamang ng DOJ na makuha ang opisyal na kopya para malaman ang karagdagang detalye hinggil sa naging basehan ng desisyon ng Timor Leste.

“DOJ is both surprised and deeply disappointed by this development.”

Si Teves ay nahaharap sa mga kasong murder kaugnay ng pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Teresa Tavares