MANILA, Philippines- Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa iba pang indibidwal na sangkot sa kasong crimes against humanity sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on foreign relations, sinabi niyang nagbabago ang pananaw ninuman sa iba’t ibang panahon.
“Our views evolve at times,” ayon kay Remulla bilang tugon sa komite kung may hurisdiksyon ang ICC sa iba pang indibidwal na kinasuhan kasama ni Duterte.
Inihayag ni Remulla na kahit kumalas ang Pilipinas sa ICC, may hurisdiksyon pa ang international tribunal sa ilang indibidwal at hindi sa bansa.
Ngunit, ginamit ni Senador Imee Marcos ang naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa at maging sa indibidwal.
“In this statement, the president clearly means jurisdiction over individuals. It is very, very clear. There is no area for quibbling, and if you say there is jurisdiction over individuals, I don’t believe that you are in agreement with your president. As a matter of fact, the ICC does not try countries after all,” ayon kay Senador Marcos.
Bilang tugon, iginiit ni Remulla na: “Our views evolve during times, at times, and I don’t know if he still has the same views up to today — because we are talking about a clip which was done one and a half years ago. Our minds can change, ma’am.”
“Of course, we can change our mind, Mr. Secretary. So, you are saying that the president changed his mind?” tanong ni Marcos.
“Well, I cannot speak for him, madam. I cannot speak for him. Your conclusions are really your own and I cannot adopt your conclusions here,” tugon ng DOJ chief.
Noong Marcos 17, 2018, kumalas si Duterte sa Rome Statue, ang isang tratado na nagtayo sa ICC. Ngunit, naging epektibo ang pagkalas isang taon pagkatapos nito.
Kahit kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute nitong Marso 16, 2029, nananatiling may hurisdiksyon ang ICC sa krimen na nangyari mula Nobyembre 1, 2011 hangang Marcos 16, 2019 – o base sa panahon nang miyembro pa ang bansa.
Ito ang basehan ng pagpapalabas ng arrest warrant ng ICC laban kay Duterte na nakakulong ngayon sa The Hague na inaresto noong Marso 11.
Kinasuhan si Duterte ng crimes against humanity dahil sa umano’y pagpaslang sa mahigit 6,000 drug addict ayon sa opisyal na datos ng pamahalaan.
Ngunit, sinabi ng ilang human rights watchdogs at ICC prosecutor na aabot ang death toll sa pagitan ng 12,000 hanggang 30,000 mula 2016 to 2019 na pawang extrajudicial killings. Ernie Reyes