Home NATIONWIDE Extreme Northern Luzon uulanin sa frontal systemNATIONWIDETOP STORIES Extreme Northern Luzon uulanin sa frontal systemApril 14, 2025 08:00 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Apektado ng frontal system ang Extreme Northern Luzon ngayong Lunes, Abril 14.Ayon sa PAGASA, ang Batanes, Cagayan, at Apayao ay makararanas ng frontal system o lugar kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin.Ang mga lugar na ito ay magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan na maaaring magdulot ng flash floods o landslide.Samantala, makakaapekto naman ang easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa.Ang Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm. RNT/JGC