Home NATIONWIDE F2F classes sa Maynila suspendido ngayong araw sa matinding init ng panahon

F2F classes sa Maynila suspendido ngayong araw sa matinding init ng panahon

MANILA, Philippines – SINUSPINDE ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Lungsod ng Maynila dahil sa inaasahang mataas na heat index na aabot sa 43°C ngayong Martes, Marso 4, 2025.

Batay sa direktiba ni Lacuna, maaaring mag shift ang mga paaralan sa alternatibong mga paraan ng pagkatuto para sa mga mag-aaral, tulad ng online classes o mga aktibidad na maaaring gawin sa kanilang mga tahanan.

Pinaalalahanan naman ng alkalde ang lahat partikular na ang mga mag-aaral na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.

“Hangga’t maaari, manatili na lang sa loob ng bahay at iwasan ang matinding sikat ng araw. Kung kailangang lumabas, siguraduhing may proteksyon laban sa init. Ingat po tayong lahat,” ayon pa kay Lacuna. JR Reyes