Home NATIONWIDE Family planning patuloy na itinutulak ng gobyerno sa kabila ng pagbagsak ng...

Family planning patuloy na itinutulak ng gobyerno sa kabila ng pagbagsak ng PH birth rate

NANANATILING committed ang Commission on Population and Development (CPD) na itulak ang ‘family planning’ sa gitna ng makabuluhang pagbagsak sa registered birth rates sa mga nakalipas na taon.

Sa panayam ng Bagong Pilipinas, binigyang-diin ni CPD Deputy Executive Director Lolito Tacardon ang kahalagahan ng family planning habang ipinagdiriwang ang Family Planning Month ngayong Agosto.

Tinukoy ni Tacardon ang iba’t ibang benepisyo ng ‘well-planned, empowered families.’

Maliban aniya sa layuning pigilan ang delikadong pagbubuntis na madalas na nagreresulta ng maternal deaths, ang well-planned pregnancies ay nagreresulta rin ng malusog na mga sanggol.

“Sa pamilya po syempre kapag ang mag-asawa at yung nanay at saka tatay ay nakayanang magplano ng pamilya, they have a better chance to provide for the needs of the members of the family like health, education,” ayon kay Tacardon.

Matatandaang lumitaw sa isang ‘qualitative study’ na kinomisyon ng CPD noong 2023 na maraming couples o mag-asawa o magkapareha ang nagdesisyon na huwag ng mag-anak nang lumutang global health crisis sanhi ng Coronavirus 2019 (Covid-19) pandemic.

Gayunman, sinabi ng CPD na bago pa ang pagkahawa, sinabi na ng Philippine Statistics Authority’s Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) na maraming rehiyon sa bansa ang nagpapakita ng pagbagsak ng kabuuang bilang ng registered births.

Base sa May 1, 2020 data, ang populasyon ng bansa ay 109,035,343.

“The trend was observed as early as 2017 and 2018, when there was a decline in total registered live births from 1,700,618 to 1,668,120, then in 2019 at 1,673,923. The drop was more pronounced in 2020 as only 1,528,684 babies were born. The figure dipped further in 2021 to 1,364,739, but rebounded in 2022 at 1,455,393,” ang makikita sa pag-aaral.

Nauna rito, sinabi naman ni CPD Executive Director Lisa Grace Bersales na minomonitor nila kung ang ‘fertility behaviors’ ay maging norm post-pandemic.

Samantala, sa kabila ng pagbabago sa registered births, sinabi ng CPD na ang pagtaas sa adolescent pregnancies, partikular na sa mga may edad na 17 taong gulang at pababa, at ang malala pa ay sa hanay ng mga kabataang babae na may edad na 10 hanggang 14 taong gulang.

Makikita sa record na noong 2022, 10,826 births ang naitala sa hanay ng adolescents aged na 11 hanggang 15, mula 8,913 ang naitala noong 2021.

Gayundin, 139,312 births ang naitala sa hanay ng adolescents aged na 16 hanggang 19 noong 2022, mula 127,388 na naitala noong 2021.

Sinabi pa ng CPD na ang pagbubuntis ay “not only represent statistical increases but also highlight profound social injustices that deny vulnerable girls the chance to pursue their dreams and aspirations.”

“As the country celebrates Family Planning Month with the theme “Panalo ang Pamilyang Planado”, ang sinabi ng komisyon sabay sabing mapabubuti ng family planning ang kalidad ng buhay ng mga tao.

Habang layon ng bansa na isulong ang ‘transformative social and economic development,’ sinabi ng CPD na makikipagtulungan ito sa iba’t ibang kinauukulang government agencies gaya ng Department of Health at local government units para i- promote at lumikha ng kaaya-ayang kapaligiran para sa mga indibiduwal at couple sa pamamagitan ng pagtiyak sa kanilang kapasidad na tuparin ang kanilang reproductive rights kabilang na ang karapatan na magkaroon ng nais “number, timing, at spacing’ ng mga anak. Kris Jose