Home NATIONWIDE FDI net inflows bumagsak sa 4-month low noong Mayo – BSP

FDI net inflows bumagsak sa 4-month low noong Mayo – BSP

MANILA, Philippines – Bumaba sa four-month low noong Mayo ang investment inflows sa Pilipinas dahil sa mas mababang pagpasok ng nonresidents sa debt instruments sa naturang panahon, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Huwebes, Agosto 10.

Ang foreign direct investment (FDI) net inflows ay nasa $488 million noong May 2023, nagmamarka ng 34.0% na pagbaba mula sa $739 million sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, at mababa rin sa $876 million noong Abril.

Ito na ang pinakamababa sa loob ng apat na buwan mula nang maitala ang FDI net inflows sa $448 million noong Enero.

“FDI remains subdued due to the effects of relatively higher price and interest rate levels globally,” pahayag ng BSP.

Noong Hunyo ay nagdesisyon ang Monetary Board ng BSP na panatilihin ang policy rates.

Bago rito, tumaas ang key policy rates ng 425 basis points mula Mayo 2022, at ang pinakahuli ay ang 25-basis point na pagtaas na nagdala sa benchmark rate na 6.25%.

Samantala, ang net investments sa equity capital ay tumalon ng 158.7% sa $235 million mula $91 million, kasama ang reinvestment of earnings na bumaba ng 5.4% sa $91 million mula $96 million.

Karamihan sa equity capital placements ay mula sa Germany, Japan, at United States.

Ang year-to-date FDI net inflows naman ay nasa $3.4 billion, sumasalamin sa 20.8% decline mula $4.3 billion sa comparable period noong mga nakaraang taon. RNT/JGC