Home ENTERTAINMENT Surgery sa sleep apnea ni David, tagumpay!

Surgery sa sleep apnea ni David, tagumpay!

Manila, Philippines- Sumailalim sa isang gamutan si David Licauco para mawala na ang kanyang sleep disorder na tinatawag na sleep apnea.

Sa mga hindi masyadong aware kung ano ang sleep apnea, ito ay isang serious sleep disorder na paulit-ulit na tumitigil at muling nagsisimula ang paghinga ng isang tao.

Ang taong may kundisyon na ganito ay  malakas humilik at nakararamdam ng sobrang pagkapagod kahit kakagising lamang.

Ayon kay David, sana raw ay tuluyan nang mawala ang iniinda niyang karamdaman after gawin sa kanya ng mga doktor ang naturang procedure.

“I just can’t wait for that day na mas maging okay ako dahil it’s affecting my daily life, my mental health, so I want to do it. I just want that to be over para, again, I want to live my best life,” ang pahayag ni David sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

Siyempre, hoping and praying din ang leading lady ng aktor na si Barbie Forteza na maging okay na si David.

Ayon kay Barbie, napag-usapan daw nila ni David ang tungkol sa sakit nito, at sa pagpapagamot nito nang magkasama sila sa Canada para sa Sparkle tour.

“Siyempre, I’m hoping na magiging maganda ‘yung resulta, hindi ba?

“And it will be for his improvement, para hindi na rin siya gaanong ma-challenge when it comes to working late or having to wake up early,” ayon pa kay Barbie.

Sa ngayon ay tagumpay nga ang surgery kay David.

“Hi everyone, sa lahat ng mga sumusuporta sa ‘kin, I super appreciate you guys for praying for me for my operation,” the Kapuso actor said. Rommel Placente