Home ENTERTAINMENT Lovi, nagpaalam sa BQ, magpapagarahe na?

Lovi, nagpaalam sa BQ, magpapagarahe na?

Manila, Philippines – Babalik pa kaya si Lovi Poe sa Batang Quiapo lalo’t nakaalis na raw ito patungong Europe para magbakasyon nang isang buwan o higit pa?

Kung takbo kasi ng kuwento ng BQ ang pagbabasehan ay puwede nang hindi ito balikan ni Lovi.

It’s totally goodbye to her role as Mokang lalo’t hindi naman kay Tanggol (played by Coco Martin) siya nagpakasal kundi kay Boss Ramon na ginagampanan ni Christopher de Leon.

Ang paalam ni Lovi sa produksyon ay month-long vacation sa Europe.

Maaari pa itong ma-extend depende sa itinerary ni Lovi.

Marami tuloy ang humuhulang there’s a big possibility na ikakasal sa UK (which is in Europe) si Lovi to her British fiance Monty Blencowe lalo pa’t engaged na pala sila a couple of years ago.

Naremedyuhan naman ang pag-alis ni Lovi sa BQ sa rami ng mga kinunang sequences.

Ie-extend na lang daw ang mga ito para mapanood pa rin si Mokang.

Ang tanong: what if wala pa sa bansa si Lovi kung kailan kailangang-kailangan na niyang mag-taping for BQ?

Balitang may bagong karakter daw na ipakikilala ang BQ, ito na ba ang kapalit ni Lovi if ever?

Samantala, tight-lipped ang kampo ng aktres kung isasabay na rin ni Lovi sa kanyang European vacation ang pagpapakasal nila ni Monty.

Hindi naman malayong ilihim ito mismo ni Lovi kung paano niyang naisikreto ang engagement nila ni Monty.

For all we know, pagbalik ni Lovi sa bansa ay Mrs. Blencowe na siya. Ronnie Carrasco III

Previous articleNawawalang inmate ng NBP posibleng buhay pa – BuCor chief
Next articleFDI net inflows bumagsak sa 4-month low noong Mayo – BSP