Home NATIONWIDE Fetus isinilid sa parcel, umalingasaw sa Cavite

Fetus isinilid sa parcel, umalingasaw sa Cavite

Sa Naic, Cavite, isang fetus ang nadiskubre sa loob ng parsela na iniwan sa isang bakanteng lote noong Sabado, Disyembre 14.

Napansin ng isang food delivery rider, na kasalukuyang nagpapaayos ng kanyang motorsiklo sa malapit na tindahan, ang isang mabahong pakete sa lote.

Sa pag-inspeksyon niya sa parsela, nakita ng rider ang isang fetus, na tinatayang nasa pito hanggang walong buwang gulang. Agad niyang ini-report sa Naic Municipal Police Station (MPS) ang natuklasan.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa technical investigation at nagsasagawa sila ng follow-up operation para matukoy ang ina ng fetus. RNT