Home ENTERTAINMENT Fiancé ni Jellie Aw sinubpoena ng NBI

Fiancé ni Jellie Aw sinubpoena ng NBI

MANILA, Philippines- Pinadalhan na ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang fiance ng vlogger at disk jockey na si Jellie Aw kaugnay sa alegasyon ng pananakit sa kanya.

Sinabi ni NBI Director Judge Jaime Santiago, kapag hindi dumating sa Huwebes ay magpatuloy na sila sa imbestigasyon at maghahain ng kaukulang kaso laban sa kanya.

Nauna nang sinabi ni Santiago na tinutugis ng ahensya ang fiance ni Aw hinggil sa insidente.

Nitong Huwebes, nagsampa ng reklamo si Aw sa NBI laban sa kanyang nobyo dahil sa umano’y pang-aabuso matapos na mag-viral online ang larawan ng kanyang duguan at bugbog mukha.

Noong Biyernes, sinabi ng disk jockey na handa niyang patawarin ang kanyang nobyo ngunit kailangan pa rin siyang managot.

Nangyari umano ang pananakit kay Aw ng kanyang nobyo habang sila ay nasa expressway noong Miyerkules dahil sa selos. Jocelyn Tabangcura-Domenden