Home SPORTS Filipinas nasa Group G ng 2026 Women’s Asian Cup Qualifiers

Filipinas nasa Group G ng 2026 Women’s Asian Cup Qualifiers

NAKAPUWESTO ang Philippine women’s national football team sa Group G ng 2026 Women’s Asian Cup qualifiers na gaganapin sa huling bahagi ng Hunyo.

Makakaharap ng Filipinas ang mga koponan ng Cambodia, Hong Kong, at Saudi Arabia sa serye ng mga laban mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 5.

Bilang No. 41 sa FIFA world rankings, ang Filipinas ang may pinakamataas na ranggo sa kanilang grupo. Samantala, nasa No. 80 ang Hong Kong, No. 118 ang Cambodia, at No. 166 naman ang Saudi Arabia.

Ginawa ang opisyal na draw nitong Huwebes sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan hinati ang 38 koponan sa walong grupo.

Inaasahan ng Filipinas na makapagtala ng matatag na kampanya upang masigurado ang kanilang tiket sa prestihiyosong torneo.GP