Home SPORTS Filipino Olympic bets suportado ng PSC

Filipino Olympic bets suportado ng PSC

MANILA, Philippines —  Buong-buo at todong-todo ang suportang ibibigay ng  Philippine Sports Commission sa lahat ng 15 Filipinong atleta na sasabak sa  Paris Olympics.

Sinabi ni PSC Chairman Richard Bachmann na ang kanyang ahensya ay may natitira pang P8.9 milyon sa P52 milyon na inilaan para sa Olympic campaign ng bansa – mula sa paghahanda at paglahok sa qualifying windows at competition proper hanggang sa mga ticket sa eroplano, uniporme at gears.

“Mula sa P52 milyon, gumastos tayo ng P43 milyon, at P8.9 milyon ang natitira para suportahan ang ating mga Olympic-bound athletes,” ani Bachmann. “Kung kulang man, maghahanap ako ng pera sa ating NSDF (National Sports Development Fund).”

May kabuuang 15 Pinoy ang nakapag-book ng Paris tickets kabilang ang limang boksingero sa Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Aira Villegas at Hergie Bacyadan at apat na gymnast sa Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malabuyo.

Papunta rin sa Paris sina pole-vaulter EJ Obiena, weightlifters Vanessa Sarno, John Ceniza at Elreen Ando, ​rower Joanie Delgaco, at fencer Sam Catantan.

At inaasahan ni Bachmann ang higit pa, posibleng sa athletics, judo, shooting at swimming at iba pa.JC