MANILA, Philippines – Patungo ngayon si Carl Tamayo sa South Korea matapos magpasyang pumirma sa LG Sakers para makakita ng aksyon sa Korean Basketball League, ayon sa koponan.
Humiwalay ang Pinoy import noong Enero sa Ryukyu Golden Kings sa Japan B. League, kung saan gumugol siya ng dalawang season at tinulungan ang squad na makuha ang titulo noong 2023.
Sa Changwon, palalakasin ni Tamayo ang isang squad na natapos noong nakaraang season na may impresibong 36-18 win-loss record.
Naabot ng LG Sakers ang semifinals, ngunit nahulog kontra Suwon para tapusin ang kanilang title bid.
Si Tamayo rin ang naging pinakabagong Filipino cager na naglaro sa nasabing bansa, kasama ang mga tulad nina SJ Belangel at Dave Ildefonso.JC