Home METRO Obispo at pari sa Tondo nagkasakitan sa simbahan

Obispo at pari sa Tondo nagkasakitan sa simbahan

MANILA, Philippines – Naaktuhan ang isang Obispo at isang pari sa umano’y away sa loob ng isang opisina na nakunan ng video ngunit sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang insidente ay isang hindi pagkakaunawaan ng dalawang alagad ng simbahan.

Nangyari umano ang nasabing insidente noong MIyerkules sa loob ng St.Joseph Parishsa Gagalangin, Tondo, sa Maynila.

Base sa ulat, tinangkang sakalin ni Novaliches Bishop Antonio Tobias si parochial administrator Fr. Alfonzo Valeza sa loob ng tanggapan ng simbahan.

Ayon sa pari, ang mainit na pagtatalo ay tungkol sa pagpapatalsik sa kanya sa Parokya dahil sa mga akusasyon niya laban sa mga umano’y tiwaling pari.

Aminado naman ang archdiocese na walang maayos turnover ng Parokya nanaging dahilan ng kaguluhan.

Pero nilinaw nito na pinipilit lang ni Tobias na payapain si Valeza at hindi niya ito sinasadyang masamain.

Ayo sa report, napatalsik si Valeza sa Parokya matapos itong hindi sumunod sa utos ni Manila Archbishop Cardina Jose Advincula para sa kanya sa nakalipas na dalawang taon na sumailalim sa counseling dahil sa kanyang “unstable personality”.

Ayon pa sa ulat, ang pagtanggal kay Valeza ay walang kaugnayan sa alegasyon sa SImbahang Katolika. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)