Home OPINION FIRE RISK ASSESSMENT SA NAIA 3 PARKING LOT BLAZE

FIRE RISK ASSESSMENT SA NAIA 3 PARKING LOT BLAZE

NAKALULUNGKOT ang nangyaring ‘fire blaze’ sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong Lunes. Sa kabutihang palad, walang naitalang nasaktan sa sunog maliban sa pagkatupok ng 19 na sasakyang nakaparada sa parking lot ng paliparan.

Sa nakalap nating impormasyon, nai-report ang pangyayari sa awtoridad ng 1:28 pm at idineklarang “fire out” bandang 1:57 pm. Posible raw na ‘extreme heat’ o  ‘grassfire’ ang sanhi ng pagliyab.

Maging aral sana para sa lahat ang ganitong klase ng aksidente pero maiiwasan sana ang pagkasunog o ang paglala nito kung mayroong tinatawag na ‘fire risk assessment’ o FRA ang namamahala ng parking lot.

Sa pamamagitan ng dokumentadong FRA, madaling malaman ang mga hazard na maaaring pagmulan ng sunog gayundin ang mga solusyong nararapat para maiwasan ang pagliyab o agarang maapula kung sakaling lumaki ito.

Hindi ganoon kadali makagawa ng FRA, kinakailangang eksperto ang mamumuno sa paggawa nito. Kung mayroong ‘hazard identification, risk assessment and control’ o HIRAC, mayroon namang FRA na nakatuon ang pansin sa unwanted na fire.

Sa FRA, inaalam ang pwedeng pagmulan ng fuel, heat at oxygen – mga elementong kailangan para mabuo ang apoy. Gayundin ang pagsusuri kung malaki o mababa ang tyansa para magkasunog. Syempre, hindi mabubuo ang risk o panganib kung walang level ng ‘degree of harm’.

Sa ganitong sistema, madaling malalaman kung sapat pa ba o hindi ang mga solusyon para maiwasan ang aksidente. Gayundin ang prayoridad at aksyon na kailangan para mapunan ang mga pangangailangan sa pagpapababa ng panganib at ‘mitigating control’ kung sakaling may sunog.

Mabisang ‘preventive control’ ang pagsasagawa ng ‘good housekeeping’ para matanggal o makontrol ang mga ‘hazard’ na nakita sa ‘assessment’.

Kung sakali mang may umusok o nagliyab, mainam na may naka-stand by na portable o trolley-type na fire extinguisher.

Iilan lamang ito sa ating mga rekomendasyon at sana totohanang punan ng kompanya ang mga pangangailangang nakasaad sa FRA para masiguro ang kaligtasan mula sa sunog.