MANILA, Philippines – BINIGYAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ‘bouquet of fresh vegetables’ mula Benguet si Unang Ginang Liza’ Araneta-Marcos para sa kanilang 33rd wedding anniversary.
Ipinost ni Unang Ginang Liza ang kanilang litrato, sabay sabing ang Pangulo ay nananatiling ‘tahimik at may simpleng pagkilos’ para ihayag ang kanyang pagmamahal.
”After 33 years, it’s the quiet gestures that stay with you. I’ve received many beautiful bouquets, but this one felt especially meaningful… chosen by my husband himself, straight from the market,” ang sinabi ng Unang Ginang.
”Simple, thoughtful and full of love. Ang sweet talaga ng asawa ko… double brownie points!” aniya pa rin.
Samantala, nagbahagi naman si Pangulong Marcos ng mga throwback photos ng family celebrations, milestones, at personal na mensahe para sa Unang Ginang para sa kanilang wedding anniversary. KRIS JOSE