MANILA, Philippines – Tiwala si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na sa pagkaka-aresto ni dating Ako Bicol Rep. sa Czech Republic ay matatamo na ng Pilipino ang hustisya at mapapanagot ito sa mga anomnalyang naganap sa flood control projects.
Giit ng Speaker na ang pag-aresto kay Co at pagkadetine nito ngayon sa Prague ay kasiguraduhan na may mananagot na sa nabanggit na iregularidad.
Muling ipinangalandakan ni Dy ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kung saan kinukumpirma nito ang pagkakadakip kay Co na.
“Nahuli na si Zaldy Co. He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities,” ani pangulo sa kaniyang FB post.
“The arrest of Mr. Zaldy Co is an important step forward for justice and the rule of law. It sends a clear message that those who attempt to evade the law will be held to account,” sinabi pa ni Speaker Dy.
Malinaw aniyang nagsisikap ang pamahalaan n a mapapanagot at makuha ang hustisya sa gitna ng alegasyon ukol sa pangungurakot sa implementasyon sa mga proyekto ng gobyerno.
“Malinaw na mula pa sa kanyang SONA, sinabi na ng Pangulo na walang puwang ang katiwalian sa kanyang pamumuno. That accountability must apply to everyone, especially those entrusted with public funds,” ani Dy.
Sa ngayon aniya ay patuloy na naka-focus ang Kamara sa mga pambansang suliranin at pangangailangan lalo na ang idinudulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.
“Habang tinutugunan natin ang usaping ito, tuloy ang trabaho ng Kapulungan sa mga pangangailangan ng ating bayan, lalo na sa epekto ng krisis sa Middle East. We remain focused on measures that will help protect our economy, support our people, and deliver concrete relief where it is needed most.” Meliza Maluntag