MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na matagumpay na inirescue ang isang Filipino fishing vessel na umano’y tinukoy ng barko ng China malapit sa Scarborough Shoal, o kilala bilang Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag sinabi ng PCG na ang insidente ay nangyari noong Enero 12 nang tangkain ng Filipino fishing boat na tumulak sa bahagi ng Scarborough Shoal na nasa kontrol ng Beijing simula noong 2012.
Sinabi ng PCG na binusinahan at hinirang ng People Liberation Army vessel at China Coast Guard ang fishing boat sa 16 nautical miles sa Southern shoal.
Agad namang tumugon ang BRP Cape San Agustin, ang PCG multi-role response vessel at naisakay ang kapitan ng bangka.
Wala pang komento ang Beijing sa naturang insidente.
Sinabi rin ng PCG na inilipat ang 10 container ng diesel sa fishing boat upang makapagpatuloy ito sa paglalayag para sa layuning makapangisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden