Home NATIONWIDE Kumpanya ni Leviste nahaharap sa P24-B multa sa ‘di pagtupad sa obligasyon

Kumpanya ni Leviste nahaharap sa P24-B multa sa ‘di pagtupad sa obligasyon

202
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa P24 bilyong multa ang Solar Philippines, kumpanya ni Rep. Leandro Leviste, matapos hindi matupad ang pangakong makapag-bigay ng halos 12 gigawatts ng renewable energy capacity.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin sa isang media briefing nitong Martes, naiterminate na ang mga kontrata para sa mga proyektong ito bilang bahagi ng paglilinis sa mga hindi sumusunod na developer.

Sinabi ni Garin na hindi pa tumutugon ang Solar Philippines sa kabila ng mga paulit-ulit na pagsubok ng DOE na makipag-ugnayan.

“To be able to terminate a contract, we have to go through the whole due process,” ani Garin. “What we want are legitimate investors, that’s why we’re cleaning it out.”

Ito ay bahagi ng malawakang aksyon ng DOE noong 2025, kung saan 84 renewable energy deals ang na-revoke dahil sa hindi pagtupad sa commitments. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here