BINATIKOS ang mababang attendance at mataas na presyo ng ticket sa ginaganap na FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 sa Pilipinas.
Nasa ikaapat na araw pa lamang ng torneo ay ramdam na ang problema.
Ayon kay PNVF president Ramon “Tats” Suzara, hindi patas ang mga batikos na maraming bakanteng upuan sa unang mga laro.
Ipinagmalaki pa niya na matagumpay ang opening ceremony na dinaluhan ng mahigit 9,000 katao.
Giit ni Suzara, inaasahan talaga na mas maraming manonood kapag ang naglalaro ay mga sikat na koponan tulad ng USA at Japan.
Mapapansin din daw na mas maraming nanonood tuwing gabi kahit mataas ang presyo ng ticket.
Ayon sa mga kritiko nasayang lang ang P2 bilyong ipinondo para sa world event na tila nilalangaw at walang nagka-interest na panoorin.
“Sa bansang naghihirap gaya ng Pilipinas, ang pagpopondo ng marangyang P2B para sa nasabing hosting ng world men’s volleyball ay hindi makatarungan,” ayon sa kritiko.GP/JC