Home SPORTS Filipinas handa vs Japan sa friendly matches

Filipinas handa vs Japan sa friendly matches

288
0

KASAMA sa preparasyon ng Filipinas5 para sa darating na FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 ang dalawang friendly matches laban sa Japan.

Gaganapin ang torneo sa Pilipinas mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.

Ayon kay head coach Rafa Merino, malaking pagsubok ang dalawang laro kontra sa world No. 5 Japan. Kasalukuyang nagsasanay ang Filipinas5 sa bansa bilang paghahanda sa unang edisyon ng prestihiyosong torneo.

Kasama rin ang Japan sa Group C kasama ang Portugal, Tanzania, at New Zealand.
Ayon kay Merino, 23 manlalaro ang isasama sa training camp sa Japan.

Sabi naman ni Philippine Football Federation president John Gutierrez, nasa huling bahagi na ng build-up ang kanilang ensayo.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here