MANILA, Philippines – Sentro ng talakayan ang husay at galing ng Pinoy memory sports athletes sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Inaasahang ibibida ni coach Anne Bernadette Bonita, President ng Philippine Mind Sports Association, ang paghahanda ng bansa sa gaganaping 7th Philippine International Memory Sports Championship sa Sabado, September 20:sa La Salle Greenhills.
Nakatakda ang public forum sa pagtataguyod ng Philippine sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat AT Lila Premium Healthy Coffee ganap na 10:30 ng umaga.
Makakasama ni Bonita ang dalawang pambato ng bansa na sina Patricia Lopez at Charles Galamgam.
Inaanyayahan ni TOPS Presidente Nympha Miano ang mga miyembro at opisyal na makiisa sa talakayan na mapapanood via livestreaming sa Sports Bulgar, Sports Corner at official Facebook page na TOPS Sports.